PAG-IBIG
PAG-IBIG ♥
ANO ANG PAG-IBIG?
Ang pag-ibig ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay konting ligaya ("naibigan ang isang pelikula") hanggang sa pagbuwis ng buhay (pagkabayani). Maaari na isang masidhing damdamin ng pagtingin ang kahulugan nito, isang emosyon o nasa estado ng emosyon. Sa pangkaraniwang gamit, madalas na tumutukoy ito sa puppy love o interpersonal na pagmamahal. Marahil sa malaking kaugnayan nito sa sikolohiya, karaniwang tema ito sa sining. Mayroong kuwentong pag-ibig ang karamihan sa modernong mg pelikula at tungkol din sa pag-ibig ang karamihan sa mga awiting sikat o musikang pop.
Sa relihiyon, partikular na sa Kristyanismo, ang pag-ibig ang pinakadakilang biyaya o regalo ng DIYOS sa tao; ayon sa Bibliya walang tao ang nabubuhay ng walang pag-ibig.
Ang Pag-ibig ay hindi namimili kung ano ka basta mahal nyo ang isa't-isa. Na kahit ano mang pagsubok, ay malalampasan nyong dalawa. Ang mahalaga sa relasyon ay nagdadamayan at nag-uunawaan. Ang pag-ibig ay hindi pinapalitan ng materyal na bagay. Dahil walang bagay na makakatumbas sa pag-iibigan. Pero may pagsubok, na dapat lampasin sa mga nag-iibigan.
Comments
Post a Comment